Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

Erik Santos, kabado sa bagong concert?

March 24, 2017



MANILA - Inamin ni Erik Santos na maliban sa excitement ay kabado siya sa paparating niyang concert na "Powerhouse 2: Erik Santos Sings The Greatest OPM Classics" sa darating na April 7 sa The Theatre sa Solaire Resort and Casino.

Sa pagbisita niya sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, sinabi ni Erik na ito ang unang beses na siya ang sumulat at mag-direct ng kanyang concert.

"Ako naman, kinakabahan. Every time na nagko-concert ako, siyempre nandoon 'yung kaba, 'yung stress. Especially this time na I'm writing and directing my own concert," ani Erik.

"So doble, triple yung pressure on my part."

Ani Erik, mayroon siyang team na tutulong sa kanya para magawa ang lahat ng kanyang idea para sa kanyang concert.

"Sa ngayon medyo okay pa naman, pero habang papalapit ang concert ay nararamdaman ko na 'yung pressure, pero excited ako," ani Erik.

Makakasama ni Erik bilang guest artists sina Yeng Constantino at Ogie Alcasid na kasama niya bilang hurado sa "Tawag ng Tanghalan."


Source: ABS-CBN News